BUHAY
Working Law Student...
Kahapon,
May 3, 2017, inilabas ng Supreme Court ang resulta ng 2016 Bar
Examinations. Out of 6,344 examinees, 3,747 ang pumasa or 59.06
percent . Ito po ay napakataas na passing rate kung ikukumpara sa
usual passing rate na 20 to 30 percent lamang. Sa katotothanan, ang
59.06 ay pangalawa sa pinakamataas na passing rate sa Bar Exam
history. At ito rin ang unang beses na walang topnotcher (sa top 10)
na nagmula sa Manila Schools. Ito cguro ang isa sa nagpapatunay na
ang galing at talino ay nasa estudyante at hindi sa eskuwelahan.
As
usual, dalawang mukha ng emosyon ang ating nasilayan kahapon. May
mga lumuha sa tuwa dahil naipasa nila ang Bar exams at sa isang
panig, ang luha ng pagkabigo dahil wala sa listahan ang kanilang
pangalan. Well, hindi ito ang ating pag-uusapan ngayon. Nais kong
bisitahin ang buhay ng isang working law student.
Ano
nga ba ang buhay ng isang working law student?
Mahirap...
Napakahirap... yan ang mga sagot na maririnig mo sa kanila. Well,
bilang isang dating working law student, gusto ko ibahagi ang
kanilang/aming karanasan. Usually, 8am-5pm and oras ng trabaho.
Then, ang mga law schools ay nagsisimula ang pasok from 5:30 ng hapon
hanggang 8:30 ng gabi pag Monday to Friday. Pag Saturday naman,
whole day ang schedule. Pag working student ka, mag-iisip ka
ngayon: kukuha ka ba ng Full Load o magbabawas ka ng subjects sa
isang semester. Depende yon sa schedule ng work mo kung kaya mo mag
full load. Of course, pag full load ka, pwedeng matapos mo ang LlB
within four years; kung wala kang ibabagsak na subject. Kung
underload ka, more than 4 years ka sa Law School.
Paano
nakakapagbasa ang isang working law student?
Kaakibat
na sa buhay ng isang law student ang magbasa nang magbasa nang walang
katapusan. Kung hindi siya magbabasa, hindi siya law student. Dahil
nasa work nga ang isang working student from 8am to 5pm, makakapag
basa lang siya kung may breaktime. Kaya tuwang tuwa yan pag Holiday
kasi mahaba ang oras niyang magbasa. Sa aking karanasan, pagkalabas
ng office, sasakay na ako ng Jeep papuntang Law School dahil
hahabulin ko ang 5:30 class. Dahil traffic, kadalasan late ako sa
klase. Buti na lng, dalawa ang pinto ng classrooms namin: sa harap
kung saan nakapwesto ang professor, at sa likod. Of course, sa
likod ako dadaan, para hindi halatang late ako. Ang siste, pag
nakita ng sadistang professor na late ka, ikaw ang tatawagin sa
recitation... Lagot ka.
Sa
mga gustong mag aral ng Law, tandaan niyo, sa law school araw-raw ang
recitation. Kaya kung hindi ka nakapagbasa, wag ka na lang pumasok
dahil anytime, pwede kang matawag. At hindi pwede na hindi ka
sasagot at sasabihin mong hindi ka nakapagbasa. Pag pumasok ka, it
means ready ka sa recitation. At kung hindi ka makakasagot sa unang
tanong pa lang , lalo kang puputaktehin ng mga tanong at ipapahiya ka
sa klase. Kumbaga, alam naman ng professor na hindi ka nakapagbasa,
pero lalo ka ididiin... Ganyan sila ka sadista( sorry for the word
mga prof,,, hehehe). Pag alam nilang ready ka, pauupuin ka kaagad.
Pero pag alam nilang di ka ready, di ka agad makakaupo dahil
sunod-sunod na tanung ang ibibigay sayo. Ang siste, may mga kaklase
akong babae na umiiyak sa klase. Kaya, bilang isang law student, no
choice ka kundi magbasa. Pinasok mo yan, panindigan mo. Sanay na sa
kahihiyang ang mga law students. Dahil araw araw sila napapahiya sa
klase. Hehehe... Joke pero totoo.
Paano
ako nakakapagbasa? Tulad ng nasabi ko sa taas, basa-basa
din pag breaktime or habang nakasakay sa jeep o FX papunta sa school
at pauwi sa bahay. Pagdating sa bahay ng 9:30 or 10pm, kakain lang
tapos basa uli hanggang kaya ng mata. Usually natutulog ako mga 3am
na. Gigising naman ng 6am. So, ano ang mangyayari kung ganyan ang
tulog mo sa loob ng 4 or 5 years? Eh di para ka nang Zombie....
Laging nagluluha ang mata. Ilang beses nangyari sa akin na pag
tumayo ako galing sa pagbabasa, para akong nakalutang at parang
matutumba! Pag ganun na ang nangyayari, kailangan ko nang matulog at
siyempre, katakot-takot na dasal ang nasasambit ko. “Lord, ikaw na
bahala sa akin...”
Puro
na lang ba pagbabasa ang ginagawa ng mga working law students?
Siyempre
meron din kaming kasiyahan.... Pag wala ang professor, deretso agad
sa
Tambayan ng mga law students. Oorder ng beer at kakain. Ano
naman
ang
pinag-uusapan namin? Eh di discussion pa rin ng law subjects or
ginagaya si Prof na masungit at sadista or pulutan si kaklaseng
umiyak. Hehehe... Ganun lang. Eh
kung may-asawa na si working law student? Nakupo, ako ang tagasagot
sa celphone ng kaklase ko pag tumatawag si misis. “Mam, dito lang
po kami, may group discussion lang po.” “Ha, alas tres na ah,
dicussion pa rin?” “Ha, eh opo, kac kailangan namin matapos para
bukas”. Hayyyy... Nakalusot ba? Ewan...
Nagagawa
niya pa ba ang usual na gawain nung hindi pa siya nag-aaral?
Malabo...
Kailangan niya munang iwasan ang mga extra-curricular activities.
Kumbaga,
sacrifice
muna. Focus.... Kung gusto mo maging abugado, iwas muna sa mga
lakad. Concentrate muna. Anyway, 5 years lang naman yan... Pag
pumasa ka naman sa bar, sulit lahat ng pagod at sakripisyo mo....